walang tao sa mundong ito ang hindi nakagawa ng pagkakamali sa kanyang buhay. lahat ay, kahit minsan, nakagawa ng kasamaan o kamalian sa kanyang pananatili sa mundong ibabaw.
Hindi ako masama…
Lagi ko tong sinasabi ngayon sa sarili ko dahil sa mga nagawa ko sa buhay ko, mga kamaliang dapat hindi na lang ginawa, mga kamaliang nakaapekto hindi lang saking buhay, kungdi pati sa buhay din ng iba. Humingi na ako ng tawad. pasensiya, sinubukan itama ang lahat. pero ang nasira ay sira na.
Ngayon, naapektuhan ako ng mga pagkakamaling yun, wala akong ginawa kundi ang iyakan at pagsisihan ang mga nangyari at nagawa ko. Tapos na, Ika nga ng Iba. Wala na tayong magagawa. Lahat ng iyon ay karanasan na lang. karanasang hanggang ngayon ay bumagabag sakin.
Gusto kong humingi ng tawad sa mga nasaktan ko, at nagawan ko ng mali. sa mga kakilala at kaibigan ko. Seryoso ako, Patawad π¦ Siguro nakilala mo na ako.
Lahat nabigay ko na. napakita ko na.
maniwala ka, Hindi ako Masama.
lahat ng sinabi ko ay totoo.
Lahat ay pinatunayan ko.
Lahat ay Ginawa ko.
Wala na akong iba pang magagawa kundi ang tanggapin lahat ng nangyayari. at umasa na sa bandang huli. makita din ang Mabait na pagkatao ko.
Isa sa mga taong gusto kong hingan ng tawad ay ang aking matalik na kaibigan. Patawad. Hindi ako matahimik, Patawad. Maraming Salamat. Sorry kung may nagawa ako. Hindi ko sinasadya. Patawad.
kaibigan ako. hindi ako masama
Hindi ako masama.
Hindi ako masama…